
Napipintong masibak sa pwesto ang mga opisyal ng gobyerno na hindi maganda at maayos ang performance ngayong second half ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Babala ito ng Pangulo sa gitna ng nagpapatuloy umanong korapsyon sa pamahalaan dahil sa pagiging mabait niya.
Ayon kay Pangulong Marcos, bukod sa nais niyang irespeto bilang Pangulo, mas gugustuhin niya ngayong katakutan siya para maiwasan ang katiwalian.
Gagamit na aniya sila ng performance evaluation o review system kung saan kailangang maipakita ng opisyal na sila ay nagtatrabaho nang maayos.
Dagdag pa ng Pangulo, basta’t may validated report tungkol sa ginawa ng opisyal ay agad nang tinatanggal sa posisyon at kung masyado naman mabigat ang kasalanan ay dapat makasuhan.
Facebook Comments