PBBM, ipinag-utos sa PNP na lansagin na ang lahat ng kidnapping syndicate sa bansa

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na lansagin na ang mga kidnapping syndicate na nag-o-operate sa bansa.

Ito’y kasunod ng insidente ng kidnapping sa isang estudyante sa Taguig City.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, pinulong siya ni Pangulong Marcos kaninang umaga kung saan ibinaba ang direktiba nitong i-wipe out na ang mga kidnapping syndicate sa bansa.

Batay sa datos ni PNP-Anti-Kidnapping Group Director Col. Elmer Ragay, may limang kidnapping syndidate na nag-o-operate sa bansa.

Karamihan aniya sa mga ito ay pinamumunuan ng mga foreign national.

Samantala, bagama’t walang timeline na binigay sa pangulo, tiniyak naman ni Remulla na magkakaroon ng magandang balita hinggil sa mga sindikato sa mga susunod na araw.

Doble kayod na aniya ang PNP para habulin at puksain na ang mga sindikato.

Facebook Comments