PBBM, itinangging politically motivated ang pagpapaaresto kay FPRRD

Walang halong pulitika ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang maikling tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa findings ni Senator Imee Marcos sa Senate hearing na politically motivated umano ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para ibaba ang pamilya Duterte.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi siya sang-ayon sa paratang na ito pero iginagalang niya ang opinyon ng kaniyang kapatid.

Nauna na ring pinabulaanan ng Malacañang ang mga paratang ni Senador Imee na may sabwatang naganap mula sa administrasyon sa ginawang pag aresto sa dating Pangulo.

Sabi ng Palasyo, hindi na sila nagulat sa tinuran ng Senadora dahil bago pa man nito simulan ang pagdinig ay malinaw na kung ano ang kanyang posisyon o pananaw sa isyu.

Facebook Comments