Sunday, August 16, 2026

PBBM, magdaraos ng homecoming reception sa Malacañang para kay Alex Eala

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mamayang gabi ang homecoming reception para sa Filipina tennis star na si Alex Eala sa Malacañang.

Ito ay bilang pagkilala sa makasaysayang kampanya ni Eala sa Wimbledon, kung saan tinalo niya ang dating World No. 1 na si Iga Świątek.

Bagama’t nagtapos ang kampanya ni Eala sa Wimbledon matapos matalo kay Jasmine Paolini noong Hulyo 6, patuloy pa rin siyang kinikilala sa kanyang naging mahusay na performance.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na inspirasyon si Eala, lalo na sa mga kabataang Pilipino, at buong bansa ang sumusuporta sa kanyang tagumpay.

Facebook Comments