Tuesday, June 9, 2026

PBBM, magsasagawa ng situation briefing kaugnay sa pinsala ng 7.8-magnitude na lindol sa Mindanao

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong hapon ang isang situation briefing kaugnay sa epekto ng 7.8-magnitude na lindol na tumama sa Sarangani Province at iba pang bahagi ng Mindanao.

Inaasahang ilalatag ng mga ahensya sa pangulo ang pinakahuling ulat hinggil sa pinsala, kalagayan ng mga apektadong lugar, at mga hakbang na ginagawa para sa relief at recovery efforts.

Tatalakayin din dito ang kasalukuyang pagtugon ng pamahalaan sa kalamidad upang matiyak na agad na maibibigay ang kinakailangang tulong sa mga naapektuhang residente.

Samantala, wala pang petsa kung kailan pupunta ang pangulo sa Mindanao upang hindi maabala ang mga ahensiya sa pagtugon sa mga biktima ng lindol.

Facebook Comments