PBBM, may mga nakalinya nang pangalan ng posibleng pumalit kay PNP Chief Marbil

May mga nakalinya ng pangalan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng posibleng pumalit kay PNP Chief General Rommel Marbil bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nakabatay sa hierarchy ang mga pangalan na pinag-aaralan ng Pangulo na ipalit sa naturang pwesto.

Nakatakda na kasing magretiro si Marbil sa February 7, pero sabi ni Remulla, posibleng maglabas ng anunsa ang Pangulo ng posibleng pagpapalawig sa termino ng heneral bago pa man sumapit ang petsa ng pagriretiro nito.


Hindi naman nakikita ng DILG na magdu-dulot ito ng samaan ng loob sa hanay ng PNP dahil anim na buwan lamang ang extension.

Sabi ni Remulla, mas importante sa kasalukuyan ang pagiging matatag ng institusyon, lalo na sa panahon ng eleksyon.

Sa kasalukuyan kasi aniya, tapos na ang reassignment ng PNP personnel, at hindi na rin aniya makapagri-reassign pa ng tao, kaya’t mainam na maging status quo muna.

Facebook Comments