PBBM, muling nagparinig kay dating Pangulong Duterte

Muling pinasaringan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kill joke nito sa mga senador.

Sa campaign rally sa Pasay City, isa-isang binilang ni Pangulong Marcos ang kaniyang mga pambatong senador.

Ayon sa Pangulo, tinitiyak niya lamang na wala sa mga ito ang nasabugan ng granada kasunod ng biro ni Duterte na patayin ang 15 senador para makapasok sa Senado ang siyam niyang kandidato sa ilalim ng PDP-Laban.


Giit pa ng Pangulo, sa kanilang tiket ay walang maririninig na masasamang salita, pananakot at pagmumura ang publiko.

Kaya sabi ni Pangulong Marcos, malakas ang kanyang loob na i-endorso ang 12 kandidato dahil tanging kapayapaan at kaunlaran ng bansa ang hangad ng mga ito.

Facebook Comments