
Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong Pangulo ng South Korea na President Lee Jae-Myung.
Ayon kay Pangulong Marcos, umaasa siyang mas lalo pang lalalim ang bilateral relations ng Pilipinas at South Korea.
Malaki aniya ang pagpapahalaga ng Pilipinas sa matatag at pangmatagalang ugnayan nito sa South Korea.
Matatandaang nanalo si Lee sa presidential elections nitong June 4, anim na buwan matapos ang isang seryosong political crisis na nauwi sa pag-impeach sa dating pangulong si Yoon Suk‑yeol.
Nauna nang itinaas ng Pilipinas at South Korea ang antas ng kanilang ugnayan sa isang strategic partnership, na layong palalimin pa ang kooperasyon sa larangan ng ekonomiya at iba pang sektor.
Facebook Comments