
Kasabay ng pagdiriwang ng Valentines Day, ipinagdiriwang din ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile (JPE) ang kaniyang 101st birthday ngayong araw.
Kaya naman nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Enrile na aniya’y isang tunay na statesman, henyo sa batas, at huwarang public servant.
Ayon sa pangulo, hindi lamang ito naging saksi sa kasaysayan kundi kasama rin sa humubog nito.
Ang mga karanasan at kaalaman ni JPE sa mahabang panahon ay malugod niyang ibinabahagi sa lahat ng naging pangulo, kasama na si Pangulong Marcos.
Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng pangulo kay Enrile sa serbisyo nito bilang kanyang Chief Presidential Legal Counsel na mahalagang gabay sa kaniyang administrasyon.
Facebook Comments