PBBM, nagtalaga ng bagong pinuno ng CSC

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Luis Meinrado Calano Pangulayan bilang Ad Interim Commissioner ng Civil Service Commission (CSC).

Papalitan ni Pangulayan si CSC Commissioner Aileen Lourdes Lizada.

Sa liham na ipinadala ng pangulo sa CSC na pirmado noong February 10, 2025, nakasaad na uupo si Pangulayan bilang Commissioner nito hanggang February 2, 2032.


Bago ang kaniyang pagkakatalaga, si Pangulayan ay naging Undersecretary for policy, planning, and research office ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Nagsilbi rin si Pangulayan bilang Director ng Career Executive Service Board.

Facebook Comments