
Nagtalaga ng bagong pinuno ng Food and Drug Administration si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa katauhan ni Department of Health Usec. Paolo Teston.
Inanunsyo ang pagkakatalaga kay Teston noong Martes, May 13, sa flag ceremony ng ahensya sa Alabang, Muntinlupa.
Bago itinalaga sa FDA, pinamunuan ni Teston ang Health Regulation and Facility Development Cluster ng DOH, at naging Assistant Secretary, na namuno sa iba pang tanggapan ng kagawaran.
Nagmarka ang iba’t ibang karanasan ni Teston dahil sa kanyang mga results-oriented na reporma, kolaborasyon sa iba’t ibang ahensya, at dedikasyon sa serbisyo-publiko.
Si Teston ay may kasanayan din bilang abogado at karanasang administratibo, at naging miyembro ng Department of Health Executive Committee.
Ayon kay Teston, ang kaniyang misyon ay ibalik ang tiwala ng publiko sa ahensya at pamunuan ang FDA sa bagong yugto nang may propesyonalismo, integridad, at epektibong pagseserbisyo sa publiko.