PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal ng Sugar Regulatory Administration

75

Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si John Thaddeus Alba bilang acting administrator ng Sugar Regulatory Administration.

Si Alba ang pumalit kay dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica na nagbitiw sa pwesto matapos ang kontrobersyal na usapin sa Sugar Order No. 4.

Matatandaang tinawag ng palasyo ng Malacañang na iligal ang planong pag-aangkat ng bansa ng 300,000 metric tons na asukal.


Samantala, itinalaga rin ng Pangulong Marcos bilang bagong miyembro ng SRB sina Pablo Luis Azcona, bulang kinatawan ng sugar planters at Maria Mitzi Mangwag naman para sa hanay ng sugar millers.

Facebook Comments