
Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Muslim Filipino community na gumuginita sa Al-Isra Wal Mi’raj.
Ang Al-Isra Wal Mi’raj ay isang gabi ng milagrosong paglalakbay ni Propeta Muhammad mula Makkah hanggang Masjid Al-Aqsa sa Jerusalem.
Sa isang pahayag, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga kapatid nating Muslim na isabuhay ang aral ng nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsisikap at maayos na relasyon sa kapwa upang makamit ang tagumpay.
Ipinunto rin ng pangulo ang kahalagahan ng sakripisyo at pananampalataya bilang gabay sa pagtatayo ng mapayapa at maunlad na bansa para sa lahat.
Facebook Comments