
Personal na nakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ni Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” Cua sa Heritage Memorial Park sa Taguig City nitong Miyerkules ng gabi.
Kasama ng pangulo si House Majority Leader Sandro Marcos, Executive Secretary Ralph Recto at ilang miyembro ng gabinete.
Kinilala ng pangulo ang mga naiambag ni Cua sa Quirino sa loob ng 25 taon nitong paglilingkod sa publiko.
Kabilang sa kanyang mga legasiya ang pagtatatag ng Quirino State University, pagsusulong ng TRAIN Law at mga programang pangkabuhayan at turismo sa lalawigan.
Naging gobernador din siya at kinatawan ng lalawigan sa Kamara.
Pumanaw si Cua noong Setyembre 15 sa edad na 48.
Facebook Comments










