
Tinapos ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ng administrasyong Marcos ang kanilang pangangampanya sa Mandaluyong City na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa huling pagkakataon, sinuyo ni Pangulong Marcos ang mga botante na iboto ang Alyansa lalo’t ang mga ito ay tiyak aniyang hindi magdadala gulo, kundi maghahanap ng solusyon sa problema.
Mula sa orihinal na planong 21 major rallies, 16 na rally lang naisagawa ng Alayansa kasama si Pangulong Marcos.
Ayon sa koalisyon, malaking tulong ginawang pagsama ni Pangulong Marcos sa mga rally para makahikayat ng suporta.
Umabot sa 22,000 katao ang dumagsa sa Miting de Avance ng Alyansa sa Mandaluyong kagabi.
Sa labing isang miyembro ng koalisyon, tanging si Rep. Camille Villar lang ang hindi dumalo sa huling araw ng kampanya pero sa kabila nito, inendorso pa rin ni Pangulong Marcos ang Kongresista.