
Tuluyan nang kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang registration ng Pilipinas Babangon Muli (PBBM) Party-list.
Sa kopya ng desisyon, ibinasura ng Comelec En Banc ang motion for reconsideration na inihain ng grupo.
Nag-ugat ito sa mga iregularidad matapos sabihin ng grupo na kumakatawan sila para sa CALABARZON.
Pero lumabas na wala pala sa mga nominees nito ang nagmula sa rehiyon.
Walo sa sampung nominees nito ang mula sa Abra, isa sa Cagayan at isa sa Quezon City.
Sa ngayon, sa Korte Suprema na ang sunod na takbuhan ng PBBM Party-list dahil sa pagpapatibay ng En Banc sa desisyon ng Second Division.
Facebook Comments