PBBM, personal na ininspeksyon ang bumagsak na tulay sa Isabela

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bumagsak na tulay sa Cabagan, Isabela, matapos dumaan ang tatlong overloaded na dump trucks.

Ito’y para matukoy ang dahilan ng pagbasak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge at ang naging pinsala nito.

Napag-alamang ang tulay na may habang 990 metro at binubuo ng 12 arko at 9 na spans ng concrete girders ay naka-disenyo para sa light vehicles lamang.


Ang nasabing tulay ang nagdurugtong sa Cabagan at Santa Maria hanggang Enrile, Cagayan at Tabuk City, Kalinga.

Batay sa Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), anim na katao ang nasugatan at apat na mga sasakyan ang nawasak sa pagbagsak ng tulay.

Sinimulang itayo ang Cabagan-Santa Maria Bridge noong November 2014 at nakumpleto nitong February 1, 2025 na may kabuuang halagang ₱1.22 billion.

Una na ring iniutos ng Pangulo ang malalimang imbestigasyon sa insidente para mapanagot ang sinumang responsable.

Facebook Comments