PBBM, pinagsusumite ng courtesy resignation ang lahat ng gabinete gobyerno

Pinagsusumite ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng kanyang mga kalihim ng kanilang courtesy resignation kasunod ng naging resulta ng halalan sa kalagitnaan ng kanyang termino.

Ayon kay Pangulong Marcos, nagsalita na ang taumbayan, at ang inaasahan nila ay ang naging resulta.

Hindi rin niya tatanggapin bilang palusot ang pulitika.

Sabi ng Pangulo, itinuturing ang midterm elections bilang isang uri ng referendum kung paano tinatanggap ng publiko ang pamamalakad ng isang administrasyon.

Giit pa ng Pangulo, hindi dapat makuntento ang pamahalaan at tapos na ang panahon ng pagiging kampante sa pagtatrabaho.

Matatandaang nauna ng sinabi ng Pangulo na sasailalim sa performance review ang lahat ng gabinete ng gobyerna at sisibakin ang underperformig na opisyal.

Facebook Comments