
Pinalalakas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang puwesto ng bansa sa larangan ng sports matapos nitong tanggapin sa Malacañang si OCA President Sheikh Joaan bin Hamad Al Thani.
Ang Olympic Council of Asia (OCA) ang namamahala sa malalaking multi-sport events sa rehiyon at may mahalagang papel sa pagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga bansang kasapi, kabilang ang Pilipinas.
Sa pulong, tinalakay ang pagpapalawak ng kooperasyon sa athlete training, institutional partnerships, at posibilidad na maging host ang Pilipinas ng mga international sporting events.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang mas matibay na ugnayan sa OCA upang mabigyan ang mga atletang Pilipino ng mas malawak na access sa training programs, pondo, at iba pang suporta.
Tuloy-tuloy rin ang pamumuhunan ng pamahalaan sa sports upang matiyak na handa ang mga Pilipino na makipagsabayan at magwagi sa world stage.










