PBBM, pinasalamatan ang mga Pilipinong bumoto sa 2025 midterm elections kahapon

Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga Pilipino na nagtiyagang pumila sa mga presinto kahapon para lang makoboto.

Ayon sa pangulo, patunay lamang ito na umiiral ang demokrasya sa bansa dahil sa mapayapa, maayos, at may dignidad na eleksyon.

Ipinaaabot rin ng pangulo ang kaniyang pagbati sa mga bagong halal na lider ng bansa, saan mang partido sila kabilang.

Ngayong tapos na ang eleksyon, panawagan ng pangulo sa lahat, ituloy ang pagsulong ng bansa hindi para balikan ang nakaraan kundi para sa hinaharap.

Facebook Comments