
Panauhin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang ang mga kabataang nagwagi sa 14th WorldSkills ASEAN Manila 2025.
Ito ay isang kompetisyong nagpapakita ng husay sa technical-vocational skills.
Layunin ng patimpalak na iangat ang antas ng kasanayan ng mga kabataan sa ASEAN upang maging handa at kompetitibo sa buong mundo.
Mamayang hapon, pamumunuan naman ng Pangulo ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng League of Cities of the Philippines (LCP) at League of Municipalities of the Philippines (LMP).
Ang dalawang liga ay may mandato sa ilalim ng Local Government Code para magsilbing samahan ng lahat ng lungsod at bayan sa bansa.
Facebook Comments









