
Tinawanan lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paratang ni Vice President Sara Duterte na plano umanong harangin ng administrasyon ang 2028 presidential elections.
Sa isang aktibidad sa Pasay City, hiningan ng reaksyon ang Pangulo sa pahayag ng Bise Presidente, pero tawa at iling lamang ang naging tugon nito.
Sinabi ni VP Sara nitong Sabado na desperado ang administrasyon na pahinain siya sa pulitika, isulong ang Charter Change at mapigilan ang 2028 elections.
Kasunod ito ng alegasyon ng nagpakilalang dating security aide ni dating Speaker Lord Allan Velasco na si Rodulfo Gracioso Jr. na nakatanggap umano si Duterte ng malaking halaga ng pera.
Itinanggi ito ng bise presidente at tinawag na “media stunt” ang alegasyon.
Facebook Comments










