PBBM, tiniyak na mapapakinabangan ng mga Pilipino ang bawat piso at sentimo na ginugugol ng gobyerno sa mga proyekto at programa

Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na walang masasayang na piso o sentimo sa mga proyekto at programang ikinakasa ng gobyerno para sa mga Pilipino.

Sa presentation ng bank notes na kung saan ay pormal ng isinama ang lagda ni Pangulong Marcos sa mga ipakakalat na Philippine money, sinabi nitong ito ang magiging polisiya ng administrasyon sa harap ng mga nakalinyang proyekto ngayon at sa hinaharap.

Sinabi ng pangulo na titiyakin niyang wala ni kahit sentimo na mawawala sa mga programang nakalinya sa kaniyang pamamahala.


Ito ay sa harap na rin ng target ng kanyang administrasyon na lahat ng government projects ay pakinagangan ng mga Pilipino.

Samantala, nanawagan naman ang pangulo ng pagkakaisa para sa mas maayos na Philippine financial system at magsilbing instrumento sa kaunlaran ng bawat mamamayan.

Facebook Comments