PBBM, umaasang ipagpapatuloy ng susunod na lider ng bansa ang pagtindig sa karapatan ng Pilipinas sa WPS

Muling iginiit ni Pangulong Ferdninand Marcos Jr. na hindi isusuko ng pamahalaan ang kahit isang pulgada ng West Philippine Sea sa ibang mga bansa.

Ayon sa pangulo, ito ang nais niyang maalala sa kaniya ng mga Pilipino at sa kasaysayan ng bansa sa kaniyang pamumuno.

Ang kaniyang foreign policy at paninindigan sa karapatan ng bansa sa WPS ang gusto niyang maging legasiya at umaasa siyang ipagpapatuloy ito ng susunod na magiging lider ng bansa.

Giit ng pangulo, hindi naman nakikipag-away ang Pilipinas pero ipaglalaban nito ang teritoryo mula sa pwersang patuloy na nanggigipit sa mga Pilipinong mangingisda at pwersa ng gobyerno na nagbabantay at nagpapatrolya sa teritoryo ng bansa.

Kapag ibinigay aniya kahit na katiting ay hindi titigil ang pwersa ng kabilang bansa at gustong kunin lahat sa West Philippine Sea kaya hinding-hindi ito papayagan ng kaniyang administrasyon.

Facebook Comments