PCG, hindi pa isinara ang anggulong sa engine room nagsimula ang sunog sa fast craft vessel sa Quezon Province

99

Hindi muna isinasara ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anggulong sa engine room ng fast craft vessel nagsimula ang sunog kahapon habang naglalayag ito sa bahagi ng Real, Quezon Province.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, bagama’t sa initial investigation mula sa mga pasahero, sinasabing nakarinig sila ng pagsabog sa engine room bago nasunog ang MV Mercraft 2 ferry.

Gayunman, duda aniya sila sa nasabing anggulo dahil buhay naman yung crew na nasa ilalim ng engine room.


Inaasahan ng Coast Guard na sa loob ng isang linggo ay matatapos ang kanilang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Dito rin malalaman kung masasampahan ng kasong kriminal ang may-ari ng ferry at mga crew, sakaling lumabas sa imbestigasyon na may nangyaring kapabayaan.

Facebook Comments