PCG, maghahakot ng panibagong mga donasyon patungong Bicol mula sa Visayas at Mindanao

46

Nakatakda na ring maghakot ang BRP Batangas (SARV-004) ng Philippine Coast Guard (PCG) ng relief supplies na donasyon ng PCG Auxiliary members at ng ilang private donors mula sa Negros Occidental.

Ayon sa PCG, libu-libong mga pamilya ang makikinabang sa relief supplies na dadalhin nila sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly at Ulysses sa Catanduanes, Albay at Cagayan.


Ilan din sa mga donasyon na sakay ng nasabing barko ay mula sa Zamboanga City

Ang BRP Batangas ay aalis sa Port of Bacolod City sa Sabado, November 28, 2020.

Facebook Comments