PCG, magpapatupad ng security measures sa Manila Bay at Pasig River sa inagurasyon ni President-elect BBM

65

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na magde-deploy sila ng assets at personnel sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Maynila sa June 30, 2022.

Partikular na ipapakalat ng PCG ang kanilang Task Group Maritime Security – NCR-Central Luzon.

Ang naturang Coast Guard personnel ang siyang magbabantay sa Manila Bay at sa Pasig River sa araw ng inagurasyon ng papasok na pangulo.


Bukod pa rito ang 100 PCG security personnel na magbabantay sa paligid ng National Museum sa June 30.

Magde-deploy rin ng Coast Guard ng medical team at ambulansya.

Facebook Comments