
Sa ikalawang pagkakataon, muling sasali ang PCG sa Trilateral Maritime Exercise kasama ang Amerika at Japan mula June 6 hanggang June 25, 2025.
Kaugnay nito, nagsagawa ng send-off ceremony para sa BRP Teresa Magbanua sa tanggapan ng PCG sa maynila.
Pinangunahan ito ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan kung saan tutungo papuntang Japan ang 44-meter multi-role response vessel na BRP Terresa Magbanua kasama ang nasa 123 tauhan ng PCG.
Una nang isinagawa ang Trilateral Maritime Exercise sa Mariveles, Bataan noong June 2023 na dinaluhan ng BRP Melchora Aquino, BRP Gabriela Silang, at BRP Boracay.
Ang Trilateral Maritime Exercise ay naglalayong palakasin ang maritime security cooperation sa Indo-Pacific region, maritime law enforcement, search-and-rescue, simulated scenarios hinggil sa insidente ng piracy at interception exercises para palakasin pa ang ugnayan sa pagitan ng tatlong bansa.