PCG, nag-deploy na ng response team sa Davao Oriental

Nag-deploy na ng response team ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos tumama ang 7.4 magnitude na lindol sa Manay, Davao Oriental.

Agad na binigyang direktiba ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) ang lahat ng istasyon at sub-station nito lalo na ang mga malalapit sa Davao Oriental na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMCs) at i-check ang kanilang DRG units para sa kahandaan at sa posibleng deployment.

Sa ngayon, patuloy na mino-monitor ng Coast Guard ang sitwasyon sa pakikipagtulungan sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at sa mga regional DRRMC.

Kaugnay nito, ang mga personnel at assets ng Philippine Coast Guard ay nakataas na ang alert status para masiguro ang mabilis na aksyon at suporta sa mga local government units.

Samantala, inaabisuhan naman ang publiko na manatiling kalmado at updated sa mga official advisories ng pamahalaan.

Facebook Comments