PCG, naka-monitor 24/7 sa banta ng Bagyong Ulysses

50
Courtesy: CGS Masbate via PCG FB

Naka-monitor ngayon ang Philippine Coast Guard (PCG) 24/7 sa galaw ng mga sasakyang pandagat sa harap ng banta ng Bagyong Ulysses.

Ayon sa Coast Guard, nakahanda na ang kanilang Deployable Response Groups (DRGs) at ang kanilang mga kagamitan sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng Bagyong Ulysses.


Ito ay para agad na makaresponde sa evacuation at rescue operations sa koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ng PCG na nasa moderate hanggang rough ang sea condition sa ngayon sa Bicol Region.

30 namang mga sasakyang-pandagat ang naka-shelter ngayon para magpalipas ng sama ng panahon.

Nasa siyam na sasakyang-pandagat naman at 293 na rolling cargoes ang hindi pinayagang makalaot.




Facebook Comments