PCG, planong maglagay ng sariling lifeguard at outpost ng mga resorts sa Boracay

Boracay, Philippines – Plano ngayon nga Philippine Coast Guard (PCG) sa Caticlan na ipa-implement sa mga resort owners na maglagay ng sariling outpost at trained lifeguard.

Ito ang sinabi ni PO1st Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard Boracay, bilang paghahanda narin sa anumang insidenteng pwedeng mangyari sa kanilang mga bisita lalo’t unti-unti ng nararamdaman ang habagat season pati na rin sa anumang kalamidad na dumadating.

Sinabi pa ni Alvares, malaking tulong kung maglalagay ang mga ito ng sarili nilang lifeguard dahil hindi na mahihirapan ang kanilang mga bisita na humingi ng tulong dahil merong nakabantay sa mga ito maliban sa Lifeguard ng isla at PCG.
DZXL558


Facebook Comments