PCG sa Bicol Region, nakahanda na rin sa Bagyong Betty

Nakahanda na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Bicol Region sa posibleng pananalasa ng Bagyong Betty.

Partikular na nakaalerto ang deployable response groups ng Coast Guard Bicol.

Sila ang aalalay sa mga lokal na pamahalaan sa posibleng rescue operations.


Pinapayuhan naman ang mga residente sa rehiyon na maging alerto at sumunod sa abiso ng awtoridad para makaiwas sa sakuna.

Facebook Comments