PCG, walang nakitang oil spill sa nasunog na RoRo sa Batangas

Walang traces ng oil spill o oil sheens sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na MV Asia Philippines sa karagatan ng Batangas.

Ito ay base sa isinagawang inspeksyon ng Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) sa nasunog na pampasaherong RoRo vessel.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang inspeksyon ng mga awtoridad sa nasunog na barko na ngayon ay nasa angkorahe na sa Batangas.


Sa inisyal na imbestigasyon, partikular na natupok ang third deck at second deck ng barko.

Facebook Comments