PCO, umapela sa publiko na agad na i-ulat ang fake news na may kinalaman sa Halalan

Hinimok ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na manatiling mapanuri sa mga matatanggap na impormasyon, at agad na i-ulat ang ano mang klase ng election-related fake news.

Ayon kay PCO Secretary Jay Ruiz, may mga inilaang hotline at social media pages ng gobyerno laban dito.

Mahigpit na rin aniya ang pagbabantay ng PCO, katuwang ang Department of Information and Communication Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) kahit tapos na ang halalan alinsunod na rin sa dirketiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sabi ng kalihim, napaka-kritikal ng eleksyon sa bansa lalo’t ito ang nagsisilbing pundasyon ng demokrasya sa Pilipinas, kaya’t dapat lamang na maprotektahan ang integridad nito.

Dahil dito, pinapayuhan ng Palasyo ang publiko na idulog sa mga sumusunod na numero at pages ang mga makikitang fake news o ang mga nagpalakalat ng maling impormasyon.

Facebook Comments