PCOO, dumipensa sa pag-cover ng RTVM sa pagkahalal kay Velasco bilang Speaker

45

Dumipensa ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pag-cover ng Radio Television Malacañang sa pagtitipon ng mga mambabatas na naghalal kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco bilang House Speaker.

Ayon kay PCOO Assistant Secretary Kris Ablan, walang partisan hinggil sa nangyaring RTVM coverage sa Quezon City, na parehas ding naka-livestream sa PCOO Facebook Page.

Ang kanilang social media accounts ay hindi sumasalamin sa posisyon ng PCOO hinggil sa kasalukuyang political situation sa Kamara o anumang partisanship.

Ang RTVM team ay nasa Batasang Pambansa Complex para sa muling pagpapatuloy ng deliberasyon sa panukalang 2021 national budget.

Ang RTVM crew ay inatasang lumipat sa Celebrity Sports Plaza para i-cover ang event, batay na rin sa imbitasyon ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy.

Iginiit ni Ablan na tumalima lamang ang PCOO at RTVM sa request for coverage.

Ang pahayag ni Ablan ay sinegundahan din ni RTVM Executive Director Demic Pabalan.




Facebook Comments