PCOO, handang tumulong sa communication campaign ng ICAD bilang bahagi ng suporta kay VP Robredo

Manila, Philippines – Handa si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na tumulong sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kung saan co-chair si Vice President Leni Robredo.

Sa harap na rin ito ng suporta ng buong gabinete ni Pangulong Duterte na tiniyak ng Palasyo na nakahandang ibigay sa Bise Presidente bilang anti-drug czar.

Ayon kay Andanar, nakahanda ang kanyang tanggapan na tumulong sa ICAD para sa mga ilalabas nitong communication campaign.


Sinabi ni Andanar na nais nilang tumulong sa pamamagitan ng pagbabahagi sa publiko ng resulta na kanyang magagawa bilang co-chair ng ICAD.

Ang mga ahensiyang nasa ilalim ng PCOO ay Public Information Agency (PIA), Radyo Pilipinas, Philippine News Agency, PTV 4 at National Printing Office.

Facebook Comments