PCOO, kinilala ang naging papel ng PHISGOC at ng mga volunteer sa naging tagumpay ng pagho- host ng bansa sa katatapos lamang na SEA Games

50

Tagumpay ang hosting ng Pilipinas sa katatapos lang na 30th SEA Games.


Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, malaki ang naging papel sa tagumpay na ito ng bansa ang aniya’y ibinuhos na pagsisikap ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC para sa pagho- host ng sporting event.

Kinilala rin ni Andanar ang naging partisipasyon ng mga volunteer na kusang-loob na tumulong sa mga kinauukulan dahilan upang maabot ng bansa ang panalo hindi lang ng ating mga atleta kundi pati sa pagho- host ng katatapos lang na palaro.

Pinuri din ni Andanar ang mga atletang Pinoy na nagdala sa Pilipinas upang itanghal na overall champion.

Wala aniyang dudang maipagmamalaki ng bawat Pilipino sa buong mundo ang ipinamalas na galing at husay ng mga Pinoy athletes sa South East Asian Games kung saan humakot ang mga ito ng mahigit isan- daang mga gintong medalya.

Facebook Comments