PCOO, muling nagbabala sa mga nagpakalat ng fake news

53

Nagbabala ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa mga nagpapakalat ng fake news sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar, sinisigurado nilang mapaparusahan ang mga ito at ikukulong sakaling mahuli ang nga ito.


Nanawagan din ito sa publiko na makipagtulungan sa gobyerno para masugpo ang mga nagpapakalat ng maling balita.

Matatandaang naglipana sa kasalukuyan ang mga maling balita kagaya na lamang ng pagpapatupad ng total lockdown ng pamahalaan na agad namang itinanggi ng PCOO.

Facebook Comments