PCOO, naghandog ng laptop sa isang paaralan sa Surigao del Norte

54

Isang laptop ang inihandog ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pangunguna ni PCOO Secretary Martin Andanar sa Sta. Monica’s Children’s Learning Center sa Santa Monica, Surigao del Norte.

Ayon sa mensahe ni Andanar, layon nitong tulungan ang mga guro sa nasabing eskwelahan sa pag-produce ng mga learning materials para sa kanilang mga estudyante.


Aniya, ngayong nagpapatuloy ang blended learning sa gitna ng pandemya, mahalagang makasunod ang mga guro sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo, gayundin ang pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral.

Dagdag pa ng kalihim, ang regalong ito ay maliit lamang kumpara sa kabayanihan ng mga guro ngayong pandemya.

Patunay rin aniya ito na nakikinig ang pamahalaan sa pangangailangan ng kaniyang nasasakupan.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga staff ng Sta. Monica’s sa PCOO at kay Senator Chiristopher ‘Bong’ Go na siyang nagdonate ng laptop.



Facebook Comments