PCSO Director Sandra Cam, itinanggi ang pagkakasangkot sa pagpaslang kay Batuan Vice Mayor Yuson

338

Mariing pinabulaanan ni PCSO Director Sandra Cam ang pagkaladkad ng kanyang pangalan sa pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson lll at ikinasugat ng dalawang kasamahan nito.

Ayon kay Cam, wala siyang kinalaman sa nangyaring pag-ambush kay Vice Mayor Yuson kung saan naniniwala siya na nakaladkad lamang ang kanyang pangalan sa pagpaslang sa Bise alkalde dahil ang kanyang anak na si Marco Martin Cam, na tumakbo bilang alklade noong nakaraang Mayoral election laban sa anak ng biktima na si Charmax Jan Yuson ay natalo sa halalan.


Paliwanag ni Cam, hindi makatwiran aniya sa kanilang pamilya na makaladkad sa naturang usapin dahil nakapag-moved on na umano sila sa nakaraang election.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Cam sa pamilya ng Bise alkalde kasabay ng panawagan sa Manila Police District na laliman pa nang husto ang ginagawang imbestigasyon para malaman ang tunay na motibo ng pag-ambush at makilala kung sino ang mastermind sa likod ng naturang krimen.

Facebook Comments

From Advertisers