PCSO, hindi titigil sa paghahanap ng katarungan sa pagpaslang sa isa nilang opisyal

108

Mariing kinokondena ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nangyaring pagpaslang sa kanilang Board Secretary na si Atty. Wesley Barayuga.


Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) para sa agarang ikalulutas ng kaso.

Kasabay nito, nagpaabot din ng pakikiramay ang pamunuan ng PCSO sa naulilang pamilya ni Atty. Barayuga gayundin sa mga kaibigan at kasamahan nito sa trabaho.

Giit pa ni Garma, malaking kawalan si Atty. Barayuga sa kanilang tanggapan dahil sa buong pusong pagkakaloob nito ng kaniyang sarili para sa paglilingkod sa mga kababayang kapos-palad.

Nanindigan din ang PCSO na hindi nila tatantanan at walang iiwang bakas sa ginagawang imbestigasyon upang maihatid sa pamilya ni Atty. Barayuga ang katarungang nararapat para sa pagkamatay nito.

Facebook Comments