PCSO, inilabas ang bilang ng mga nanalo sa consolation prize ng lottery draw kahapon

160

Inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang bilang ng mga swerteng nanalo matapos tumaya sa PCSO lottery draw kahapon, October 16, 2020.

Walang pinalad sa jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na tumataginting na P49,500,000 na may winning numbers na 36 – 07 – 03 – 40 – 58 – 38, pero narito ang bilang ng mga nanalo sa consolation prize:

Winners: Prize:
2nd prize = 3 120,000.00
3rd prize = 280 2,000.00
4th prize = 4,991 100.00

Wala ring nakakuha sa jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na nagkakahalaga ng P42,587,780.60 at may winning numbers na 19 – 20 – 01 – 17 – 31 – 30.

Habang narito naman ang bilang ng mga nanalo sa consolation prize:

Winners: Prize:
2nd prize = 26 32,000.00
3rd prize = 1,481 1,000.00
4th prize = 22,317 30.00

Samantala, ang winning numbers naman para sa 3D lotto ay 3 -2 -6 at 12-01 para naman sa 2D lotto.




Facebook Comments