PCSO, nagpaabot ng 165,000 Calamity Assistance sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Las Piñas City

Aabot sa 165,000 libong pisong Calamity Assistance ang ipinaabot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kay Barangay Chairperson Cesar Rubio at Barangay Sec. Rabia Ricablanca.

Kasunod ito ng naganap na sunog sa Basa 2 Compound, Barangay Zapote, Las Piñas City.

Ang sunog ay tumupok ng aabot sa 165 kabahayan, kung saan aabot sa 559 residente ang apektado.


Ang tseke ay ibinigay ngayong araw (August 25) ni Ms. Charina Laqui at ni Ms. Ruby Labuga ng Special Project Division ng Charity Assistance Department ng PCSO.

Facebook Comments