PCSO walang pinahihintulutan ng larong Bingo sa On line ayon sa PCSO GM Garma

Nilinaw ni PCSO GM Royina Garma na walang inisyu o naaprubang na larong Bingo taliwas sa mga lumalabas sa Social Media.

Nanawagan si Garma sa mga Law Enforcers partikular sa NBI o kayay sa PNP na hulihin ang mga lumalabas o nagpapakalat na larong Bingo gamit ang pangalang PCSO.

Paliwanag ni Garma na kung hindi naman ginagamit ang pangalan ng PCSO ay walang problema sa naturang On line gaming pero kapag nagamit na ang pangalan ng PCSO ay saka sila magsasampa ng kaso laban sa lahat ng gunagamit na pangalan ng PCSO para lamang maglaro ng Bingo On line.


Umapila rin si Garma sa publiko na isumbong sa kanial g tanggapan sa kanilang mayroon silang nalalaman na nagpapakalat na pinahintulutan ng PCSO ang larong Bingo On line.

Giit ni Garma ihahayag nila sa publiko ang lahat ng mga larong kanilang pinahihintulutan o otorisadong mula sa PCSO para m alaman na transparent o walang daya at mayroong basbas sa kanilang ahensiya.

Facebook Comments