PDEA, ikinatuwa ang isinusulong ni Senador Bong Go na Magna Carta para sa mga opisyal at kawani nito

239

Ikinalugod ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isinusulong ni Senador Christopher “Bong” Go na Magna Carta para sa mga opisyal at kawani nito.

Sa isang pahayag, isang moral booster o makakapagpalakas ng loob ang naturang panukala para sa kanilang hanay na nasa frontline ng war on drugs ng pamahalaan.

Ikinatuwa ng ahensya ang suporta ng lehislatura sa pagpapalakas sa premiere anti-drug body sa bansa.


Sinabi ni Go na ang pagsugpo sa operasyon ng illegal drugs ay isang seryosong problema na kahaharapin ng gobyerno.

Malaki aniya ang papel ng PDEA sa pagkamit nito kung kaya’t marapat na protektahan ang mga tauhan nito.

Ayon sa PDEA, makakaasa si Senador Go at ang publiko na hindi panghihinaan ng loob ang PDEA hanggang hindi nalilinis ang mga barangay sa pagkakasaklot ng sindikato ng illegal drugs.



Facebook Comments