PDEA, kinilala na ang napatay nilang ahente sa engkwentro sa Commonwealth Avenue

258

Kinilala na ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang anti-narcotics agent na nasawi sa engkwentro sa isang fast food chain sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kinilala ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon ang nasawi na si PDEA Agent Rankin Gano.


Tiniyak naman ni Carreon na inihahanda na ng PDEA Financial Management Service ang mga tulong sa mga naulila ni Gano.

Maliban sa burial arrangements ay makatatanggap din ng financial assistance ang pamilya ni Gano.

Hindi pa rin naman nakikilala ang civilian asset ng PDEA na kasama rin sa nasawi.

Facebook Comments