PDEA, kinumpirmang patuloy pa rin ang pagre-recycle ng mga nasasabat na ilegal na droga

87

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may nagre-recycle pa rin ng mga nakukumpiskang ilegal na droga.

Ayon kay Aquino, may mga Law Enforcement units pa rin ang nagsasagawa nito.


Dagdag pa niya, hindi na umaabot sa imbentaryo ang mga drogang nire-recylce ng mga operatiba.

Base sa natatanggap na impormasyon mula sa mga asset, sinabi ni Aquino na maging may mga pulis ang nagre-recycle din ng droga.

Aminado rin si Aquino na wala siyang mapapangalanang pulis na nagre-recycle ng ilegal na droga, pero ang malinaw aniya ay nangyayari pa rin ito hanggang ngayon.

Isang Drug Queen umano ang kilalang buyer ng droga mula sa mga pulis.

Saka na papangalanan ng PDEA ang sinasabing Drug Queen at hayaan muna silang diskartehan ito.

Facebook Comments

From Advertisers