Patuloy na pinapalakas ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Pangasinan ang kanilang mga programa at operasyon sa patuloy pagsugpo ng iligal na droga sa lalawigan.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay PDEA Pangasnan Provincial Officer IA V Rechie Camacho, inilahad nito na may paglobo muli sa kalakalan ng ilegal na droga.
Iginiit pa ni Camacho ang pakikipagtulungan ng kanilang tanggapan sa iba pang ahensya tulad ng PNP at mga operatiba na magkaroon ng matagumpay na operasyon.
Kamakailan, nasabat ng awtoridad ang higit tatlong milyong pisong halaga ng ilegal na droga, baril at mga bala sa isang lalaki sa Catablan, Urdaneta City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments