PDP, dismayado sa pagkakabasura sa interim release ng dating Pangulong Duterte

Dismayado ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa kahilingang interim release para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinontra rin ng PDP ang naging basehan ng ICC na flight risk ang dating pangulo kaya hindi pinagbigyan ang interim release nito.

Ayon kay PDP Deputy Spokesman Atty. Ferdinand Topacio, taliwas ito sa katotohanan dahil sa edad ng dating Pangulong Duterte , bukod pa sa sitwasyon ng kalusugan nito.

Sinabi pa ni Topacio na ang pagiging bias ng ICC sa ilang nationalities ang dahilan kung bakit diskumpyado ang ilang bansa sa International Criminal Court.

Inupakan din ng PDP ang korupsyon sa hanay ng ICC na isa rin sa mga dahilan kung bakit maraming mga bansa ang ayaw isuko sa hurisdiksyon ng ICC ang kanilang citizens.

Facebook Comments