PDP-LABAN national council meeting ngayong araw, walang basbas ng presidente ng partido na si Senator Manny Pacquiao

222

Walang basbas ni Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) President Senator Manny Pacquiao ang napabalitang national council meeting ng partido ngayong araw.

Ayon kay PDP-LABAN Executive Director Ron Munsayac may Constitution and By laws at proseso sa partido na dapat masunod.


Nakapaloob aniya rito na ang maaari lamang magpatawag ng National Council meeting o Assembly ay ang Chairman ng Partido na si Pangulong Rodrigo Duterte ng may koordinasyon sa presidente ng partido na si Senator Pacquiao.

Hinggil dito ay sinabi ni Munsayac na plano ni Senator Pacquiao na humiling ng pulong kay President Duterte upang talakayin ang agenda para sa isang lehitimong national council meeting ng PDP-LABAN.

Inaasahan itong gawin isang buwan bago ang filing of candidacies o depende sa gustong petsa ni Pangulong Duterte.

Bago ito ay naglabas din ng memorandum si Pacquiao na nag-aabiso sa mga miyembro ng PDP-LABAN na huwag pansinin ang national council meeting na itinakda ngayong araw.



Facebook Comments